Ewan ko ba, sa tagal nang pagiging job seeker ko, naiisip ko na lang minsan na mag business na lang ako. Sa ganung paraan hawak ko oras ko, wala akong amo at isa pa, akin lahat ng kita. (d pa kasali yung dating sa mga pips kapag "businessman" na ang magiging tawag ng mga kapitbahaty namin sa akin.) Wala naman masama kung mag simula sa maliit db? Ok lang na tawagin akong "struggling businessman", mas cool yun pakinggan kahit na naghihirap kysa sa "struggling nurse", mukhang wala nang pag asa kapag ganun na ang tawag sa akin ng mga tao.
Anu kaya magandang business venture these days? Dapat yung in-demand. Yung tipong araw-araw hinahanap ng mga tao na palaging on the go. Siyempre dapat nasa center din ng civilization at dapat my magandang advertising strategies at siyempre yung patok sa budget ng mga pinoy.
No comments:
Post a Comment