4/04/2010
Engkwentro
Bakit nga ba maraming words ang hindi angkop sa celebrations ng mga pinoy? Mula nung bata pa ako, kinikilabutan ako twing darating na ang holy week, hindi dahil sa makasalanan akong bata, kundi, dahil mismo sa tunog sa tenga kapag binibigkas na ng mga tao ang salitang "kwaresma". Ang dating sa akin parang katapusan na ng mundo, o kaya week-long na katatakutan. I get goosebumps all over my epidermis kapag naririnig ko o kahit ako mismo ang bumabanggit nun.
Kanina lang, habang himbing sa pag tulog, naka-nganga at nka lubog ang ulo sa malambot na unan na puno ng soft cottony material, biglang may mainit na hangin na tila may dalang mensahe mula sa kung anung malakas na elemento ang umihip sa dulo ng aking tenga sabay sabi "gising na, sama ka sa akin sa engkwentro". Huh?! End of the world na siguro talaga. Kasunod ng mga nakakatakot na mga description sa mga events, eto meron nanaman bago, makikipag barilan sa mga unknown sa madaling araw na wala namang pistola at cowboy gear..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment