Powered By Blogger

4/01/2010

100 Ways Of Saying F*ck You


Marami sa mga pinoy na kapag nanggaling na sa ibang bansa,mdalas mabilis maka limot sa sariling wika. Pakiramdam nila ang tagal2x na nilang nandun, tpos pag umuwi sa kanilang mga probinsya, akala mo turista na kung umasta. Biglang ayaw na ng mainit, araw2x mong makikita na naka sheyds na kulang na lang pati butas ng ilong ayaw ma silawan ng araw. Ayaw narin ng ma-alikabok at mausok, sabagay sino ba naman ang hindi ayaw nun, pero kung noon e pa hangky2x lang sa pang takip ng ilong, ngayon e biglang kasing laki na ng mga kurtina ang ginagamit. Kumbaga pa, mas naging sensitive sa alikabok mula ng nakapag abroad.

Ngunit mas lumalabas ang kanilang pagiging banyaga (for two weeks) kapag naririnig mo silang nagagalit, tulad ng biglang pagkainis sa texi dribers, o kaya sa mga kashiyrs sa mol. Maririnig mo na lang mag mumura nang hindi mo alam na kung anung linguahe ang gnagamit. Mag i-ingles o kaya naman mag ja-japanis at tila mas tumatapang sila kapag ibang salita ang gamit nila sa pag mumura.

Kung ikaw ay nakaranas na ng ganitong pang aapi noon, at d mo alam kung anu ang ibig sabihin ng sinabi sayo ng mata-pobreng balik bayan na iyon, eto, baka sakali pwede mo pa silang balikan.

No comments:

Post a Comment