Powered By Blogger

3/31/2010

Bukabolaryong Pinoy

1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o FX.

2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil
sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo
kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang ****.

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito
naaalis,kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
> Ex. "How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti.

4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng
mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin,lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero
ng yosi sa quiapo. ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc.

6. BAKOKANG - higanteng peklat. Ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng iba....try it to prove it thats DUKIT.

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wika an nangangahulugan sa isang estupidong tao.
> Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente."

10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan

11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
> Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!"

12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.

13. BAKTI - bakat panty

14. ASOGUE - buhok sa kilikili

15. BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

16. BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

17. BUTUYTUY - titi ng bata.

18. JABARR - pawis ng katawan.

19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.

20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush.

No comments:

Post a Comment